May 07, 2021

Alinsunod sa Republic Act No. 10069, tuwing ika-7 ng Mayo ay ipagdiriwang ang Health Worker’s Day.

Ang araw na ito ay idineklarang special working holiday para magbigay ng pagkilala sa importansya ng kanilang mga papel at kontribusyon sa ating lipunan.

Sila ang nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan upang itaguyod ang kanilang karapatan at kapakanan.

Saludo po kami sa inyo.
Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.

Maraming Salamat Po!