May 06, 2021

Nakipag-ugnayan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Pamahalaang Bayan ng Nagcaralan upang ipabatid ang kanilang mga libreng programa para sa ating mga mamamayan.

Agad itong sinang ayunan ng inyong lingkod sapagkat napakaganda ng oportunidad na ito para sa mga kababayan nating mahihirap na gustong mag-aral.

Sa pamamagitan ng isang virtual zoom meeting, isiniwalat ni Ginoong Vergel Soriano, Center Administrator ng TESDA ang kanilang iba’t ibang Community Based Traing Program kabilang ang mga sumusunod:

  • Agroentrepreneurship NC II (30 days)
  • Contact Tracing Level II (15 days)
  • Electrical Installation and Maintenance NC II (25 days)
  • PV Systems Installation NC II (36 days)
  • Shielded Metal Arc Welding NC I (34 days)
  • Shielded Metal Arc Welding NC II (34 days)
  • Trainers Methodology Level I (33 days)

Bilang karagdagan, ang mga magpapatalang iskolar ay makatatanggap ng mga sumusunod na benepisyo:

  • Free Training
  • GSIS accident insurance (for one year)
  • Internet allowance (worth 500 pesos)
  • Health/PPE allowance (worth 500 pesos)
  • Training support fund for the duration of the training (160 pesos/8-hour day)

Ang pag-aaral na ito ay maaaring isagawa ng online o face-to-face depende sa mapipiling programa.

Maraming Salamat Po!