May 05, 2021

Isinagawa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang isang virtual zoom meeting na may temang “Laguna Provincial Leveling Session with Barangay Officials”. Ang programang ito ay pinangunahan ng Laguna Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).

Ito ay dinaluhan ng inyong lingkod kasama ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan. Pinag aralan dito kung paanong magsasagawa ng mga estratehiya upang mapagtagumpayan ang pagbababa ng mga proyekto mula sa National Government hanggang sa Barangay Level.

Maraming Salamat Po!