May 04, 2021

ANUNSIYO PUBLIKO!

PANGKALAHATANG KAUTUSAN BLG. 4 TAONG 2021

Halaw sa nakaraang pagpupulong ng Market Committee na ginanap ngayong araw sa tanggapan ng Punumbayan, ipatutupad sa Pamilihang Bayan ang mga sumusunod:

  1. Pinahihintulutan nang mag-operate ang ating Pamilihang Bayan ng Nagcarlan, Laguna tuwing araw ng Lunes simula ika-5:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon.
  2. Tuwing araw ng Lunes ganap na ika-3:00 ng hapon ay patuloy pa ring magsasagawa ang BFP, MDRRMO at RHU ng disinfection sa ating Pamilihang Bayan.
  3. Tuwing araw ng Martes hanggang Linggo ang ating Pamilihang Bayan ay magbubukas sa ganap na ika-5:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.
  4. Ang patuloy na pagsunod sa PUBLIC HEALTH STANDARDS ay kinakailangang isagawa sa lahat ng oras. Laging magsuot ng face mask at face shield at panatilihin ang physical distancing.

HOTLINE:

COVID-19 Hotline Number: 0916-798-8319
Rural Health Center: (049) 530-6844

Maraming Salamat Po!